May 28, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Mga dahilan kung bakit ang daming nagugutom sa mundo

ALAMIN: Mga dahilan kung bakit ang daming nagugutom sa mundo
Photo courtesy: Pexels


Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na maliban sa tahanan, damit, at tubig, isa rin ang pagkain sa mga pinakamahalagang bagay na dapat natatamasa ng bawat tao sa mundo—mapabata man, matanda, o sinuman.

Ngunit sa katunayan, maraming mga lugar at tao sa mundo ang hanggang ngayon ay lugmok pa rin sa kagutuman.

Sa paglipas ng panahon, sa pagkakaroon ng inobasyon at modernisasyon, bakit mayroon pa ring mga napag-iiwanan?

Bakit talamak pa rin ang kagutuman?

Ayon sa impormasyong inilatag ng organisasyong “Actions Against Hunger,” sapat naman ang food reproduction sa buong mundo; subalit aabot pa rin sa 2.6 bilyong katao ang walang kakayahang makakain ng nararapat para sa kani-kanilang mga katawan.

“The planet produces enough food to feed everyone on earth. Yet hunger is on the rise as more than 2.6 billion people can’t afford to eat a healthy diet,” mababasa sa ulat.

Batay pa rin sa parehong organisasyon, narito ang ilan sa mga salik na nagdudulot sa kagutuman ng malaking porsyento ng katauhan sa mundo.

INEQUITY

Kung sino ang may kapangyarihan, sila ang magdidikta kung sino ang mabubuhay, magugutom, at mamamatay.

CLIMATE CHANGE

Dahil sa epekto ng climate change sa agrikultura at food transportation, gayundin sa pagkakaroon ng sapat na suplay, hindi naipapaabot sa lahat ang pagkaing dapat ang lahat ay nakatatamasa sa araw-araw.

Trending

#BalitaExclusives: ‘Hindi new year pero may fireworks!’ Kawad ng kuryente, sumabog!

CONFLICT

Ang girian ng mga bansa ay nagpapabagsak sa kakayahan nitong ibigay maging ang pinakapayak na pangangailangan ng mga tao—partikular na ang pagkain.

POVERTY

Isa ang labis na kahirapan kung bakit hindi sapat ang nakakain ng iilang tao.

DIRTY WATER AND SAFE SANITATION

Bunsod ng maruming tubig at sanitasyon, hindi pagkain ang natatanggap ng iilan—bagkus mga sakit na maaari nilang ikamatay.

Ang pagkain ay hindi dapat naipagdadamot sa tao, ito ay isang karapatan na ang lahat ay dapat nakatatamasa.