Bumwelta ang Gabriela Women’s Party sa inihaing indirect contempt case ni Atty. Ferdinand Topacio laban kay Rep. Sarah Elago.
Sa latest Facebook post ng Gabriela nitong Biyernes, Mayo 29, sinabi nilang umaasta umanong biktima si Topacio matapos ang misoginistikong pahayag nito noong Marso.
KAUGNAY NA BALITA: Atty. Topacio kinatigan si Suntay: 'May nakita kang babae na gusto mong halayin, 'di kasalanan 'yon!'
“After making misogynistic and degrading remarks against her, Topacio now seeks to play the victim and use legal threats to divert attention from his own conduct and accountability,” saad ng Gabriela.
Dagdag pa nila, “This latest threat is clearly a political attack intended to intimidate a progressive woman legislator who has consistently exposed corruption, challenged abuse of power, defended human rights, and advanced the rights and welfare of women and the marginalized.”
Kaya naman nanindigan ang Gabriela na patuloy nilang ipagtatanggol ang karapatan ng kababaihan at pananagutin ang mga nasa kapangyarihan.
Anila, “Hindi kami matitinag sa mga pagbabanta. Patuloy naming ipagtatanggol ang karapatan ng kababaihan at igigiit ang pananagutan ng mga nasa kapangyarihan na ginagamit ang kanilang posisyon upang mang-api, manira, at manakot.”
Matatandaang inihain ni Topacio ang indirect contempt case laban kay Elago dahil sa pagsasapubliko nito ng disbarment complaint laban sa kaniya.
Kaugnay ito ng pambabastos ng abogado sa kongresista matapos niyang aminin na pinagnasahan daw niya minsan ang huli.
KAUGNAY NA BALITA: Atty. Topacio, inaming pinagnasaan nang maamoy noon si Rep. Sarah Elago!
KAUGNAY NA BALITA: Rep. Sarah Elago, 'di raw palalampasin pambabastos ni Atty. Topacio!