May 28, 2026

Home FEATURES Trending

ALAMIN: Kapag sinabing ‘force majeure,’ anong ibig sabihin?

ALAMIN: Kapag sinabing ‘force majeure,’ anong ibig sabihin?
Photo courtesy: Robin Padilla (FB), Unsplash

Sa kasagsagan ng mainit na diskusyon sa Senado hinggil sa mosyong pagpayag sa remote participation ng mga senador sa kanilang plenary session, binanatan ng netizens ang paliwanag ni Sen. Robin Padilla na posibleng maging basehan ang “force majeure” upang maisakatuparan ang pagbabago sa panuntunan ng pagdalo sa plenaryo. 

Sa nasabing post ni Padilla noong Miyerkules, Mayo 27, ginamit niyang halimbawa ng “force majeure” ang giyera sa Middle East at tensiyon sa pagitan ng China at Taiwan. 

Binanggit din niya sa hiwalay na post na mas malawak ang kahulugan ng force majeure, at saad pa niya’y tumutukoy ito sa mga pangyayaring wala sa kontrol ng isang partido tulad na lamang iba’t ibang emergency situations gaya ng bagyo, baha, lindol, digmaan, at terorismo. 

MAKI-BALITA: Sen. Robin, ipinaliwanag ibig sabihin ng 'force majeure;' binakbakan ng netizens!

Kaya resbak ni Sen. Risa Hontiveros, hindi maituturing na force majeure ang mga halimbawang giyera sa Middle East dahil ito ay nangyayari raw sa mga mamamayan sa ibang rehiyon, at ang hidwaan sa pagitan ng China at Taiwan dahil matagal-tagal na raw itong banta at hindi kinakailangan ng online na pagtatrabaho. 

Trending

#BalitaExclusives: Ang groom sa likod ng viral SDE na gumaya kay Sen. Bato

MAKI-BALITA: 'Ano ba naman 'yan?' Sen. Risa, sinupalpal si Sen. Robin tungkol sa force majeure

Dahil dito, ano nga ba ang tunay na ibig sabihin ng “force majeure” at ang sinasaklaw nito? 

Nakasaad sa Rule XIV, Section 41 b ng  “Rules of the Senate” na pahihintulutan ng Senate President ang pagsasagawa ng remote session bunsod ng force majeure o deklarasyon ng national emergency sa bansa.

Ilan sa mga halimbawa ng mga pangyayaring nagtutulak ng force majeure ay ang natural na mga sakuna tulad ng bagyo, baha, at lindol, gayundin ang giyera at government-mandated lockdowns tulad ng nangyari noong COVID-19 pandemic.

Gayunman, mahalagang tandaan na batay sa Article 1174 ng Philippine Civil Code, ang force majeure ay tumutukoy sa mga pangyayaring hindi inaasahan o maiiwasan, at nagsisilbing hadlang upang magampanan ang obligasyon ng isang partido sa nakagawiang pamamaraan. 

Kadalasan ang mga pangyayaring ito ay nasa labas na rin ng kontrol o responsibilidad ng sinumang tao o partido, saad ng Korte Suprema. 

“To exempt the obligor from liability under Article 1174 of the Civil Code, for a breach of an obligation due to an "act of God," the following must concur: (a) the cause of the breach of the obligation must be independent of the will of the debtor; (b) the event must be either unforseeable or unavoidable; (c) the event must be such as to render it impossible for the debtor to fulfill his obligation in a normal manner; and (d) the debtor must be free from any participation in, or aggravation of the injury to the creditor.”