May 30, 2026

Home FEATURES Trending

ALAMIN: Ang tatlong plunder cases na tumira kay Sen. Jinggoy

ALAMIN: Ang tatlong plunder cases na tumira kay Sen. Jinggoy
Photo courtesy: File photo

Muling umingay ang mga kinasangkutang plunder case ni Sen. Jinggoy Estrada matapos siyang tuluyang sampahan ng Office of the Ombudsman ng graft at plunder kaugnay ng maaanomalyang flood control projects.

Si Estrada—na anak ni dating Pangulong Joseph Estrada na ngayo’y kasalukuyang miyembro ng 20th Congress at majority bloc ng Senado ay nahaharap sa ikatlong plunder case.

Sa social media, tila kaniya-kaniyang hirit ang netizens na anila’y mula raw pagkabata nila hanggang ngayong 2026 ay nakadikit pa rin ang “plunder case” kay Estrada na pabalik-balik na rin sa Senado.

2001

Lumutang ang mga alegasyon kay Jinggoy kasama ng kaniyang amang si dating Pangulong Erap hinggil sa ₱545 milyong protection money mula umano sa jueteng operators. Naugnay din sa senador ang ₱130 milyong tobacco excise tax sa Ilocos Sur at pagtanggap umano ng ₱189.7 milyong kickback mula sa Belle Corp.

Trending

#BalitaExclusives: ‘Hindi new year pero may fireworks!’ Kawad ng kuryente, sumabog!

Taong 2007 nang ma-convict si dating Pangulong Erap sa Sandiganbayan subalit nakatanggap siya ng pardon kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo habang tuluyan namang na-acquit si Jinggoy.

2014

Matapos ang ilang taon, muling nasangkot sa plunder case si Estrada kabilang ang 11 counts of graft at direct and indirect bribery kaugnay ng maaanomalyang paggamit ng ₱183 milyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Setyembre 2014 nang tuluyan siyang naaresto subalit taong 2017 nang tuluyan siyang makapagpiyansa at makalaya. Habang noong 2024 nang tuluyang i-acquitt ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban sa kaniya ngunit na-convict naman siya sa one count of direct bribery and two counts of indirect bribery. At noong Agosto 2024 nang tuluyan siyang na-acquitt sa Special Fifth Division matapos siyang maghain ng motion for reconsideration. 

Nananatili pa ring nakabinbin ang graft cases niya sa Sandiganbayan.

2026

Bagama’t muling nakabalik ng Senado noong 2022, sa ikatlong beses ay sinampal ng plunder case si Estrada dahil sa maanomalyang flood control projects.

Ayon sa Ombudsman umabot sa ₱573 milyong kickbacks ang naibigay kay Estrada mula sa naturang kontrobersyal na proyekto at sa pagkakataong ito, "no bail" ang ipinataw ng Omdsbuman sa plunder case ni Estrada.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay nakapaglabas na ng arrest warrant ang plunder case laban a nasabing senador.