September 20, 2024

Home SHOWBIZ

Di aprub? Ely Buendia, nag-react sa Kalokalike niya sa Showtime

Di aprub? Ely Buendia, nag-react sa Kalokalike niya sa Showtime

Napanood mismo ni Eraserheads lead vocalist Ely Buendia ang episode na lumabas ang contestant ng "Kalokalike" ng It's Showtime na gumagaya sa kaniya, na si "Alvin, ang Ely Buendia ng Pasig."

Ayon sa Instagram post ni Ely, napahinto raw siya sa rehearsal nila para sa performance ng banda sa UAAP nang makita niya raw ang sarili sa Showtime.

"Taking a break from UAAP rehearsals and saw myself on Showtime?" saad niya sa caption. 

Pabiro man o totohanan, sinabi niyang hindi naman daw niya kamukha ang contestant.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Di ko naman kamukha 'yan eh," text caption niya.

Samantala, nag-post naman ang It's Showtime host-hurado namang si Jugs Jugueta ng larawan nila ni Alvin at naka-tag pa ito sa Instagram account ni Ely. 

"Congrats lodi!" tugon naman dito ni Ely.