September 16, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

EJ Obiena, handa nang lumagay sa tahimik?

EJ Obiena, handa nang lumagay sa tahimik?
Photo Courtesy: EJ Obiena,Caroline Joyeux (IG)

Nausisa ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena tungkol sa planong pagpapakasal sa jowa niyang si Caroline Joyeux na isang German athlete.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, Setyembre 5, itinanggi ni EJ na may marriage proposal umano siya kay Caroline.“Now that you have a girlfriend [...] may proposal bang magaganap?” tanong ni Boy.

“Wala po,” mabilis na sagot ni EJ. “Take it easy. I think we’re still young and we’re figuring things out.”

Sundot naman ni Boy: “But you’re starting to talk seriously?”

Relasyon at Hiwalayan

Geneva Cruz, bukas pa rin ang puso sa true love

“I think we’re very serious naman po. It’s a very serious relationship. She’s really amazing and she’s make me want to be a better person,” tugon ng Filipino pole vaulter.

Matatandaang apat na taon na umanong magkarelasyon sina EJ at Caroline simula nang magtagpo ang landas nila sa training camp sa Italy noong 2020.

Samantala, naghayag naman si Boy ng pasasalamat at papuri para kay EJ dahil sa ibinigay nitong karangalan sa bansa.

Naiposisyon ni EJ ang sarili sa ikaapat na puwesto sa ginanap na pole vault finals sa Paris Olympics 2024 kamakailan.

MAKI-BALITA: EJ Obiena, hindi sanay masabihang pogi