September 16, 2024

Home SHOWBIZ

Darren Espanto, flinex 'big boy purchase' niya

Darren Espanto, flinex 'big boy purchase' niya
Photo courtesy: Darren Espanto (IG)

Ipinagmalaki ni "It's Showtime" host at singer-actor Darren Espanto ang binili niyang bagong kotse, na makikita sa kaniyang Instagram post.

Makikita sa mga larawan si Darren kasama ang kaniyang 2024 Black Escalade, na aniya ay "big boy purchase."

Ayon kay Darren, pangarap niya lang noon ang maisakay sa Escalade ang kaniyang mga magulang, at heto, natupad na rin ito!

"Made another big boy purchase! Very grateful for all of God’s blessings. Always loved riding my parents’ Escalade as a kid and been a fan ever since. And now, here we are," caption niya sa kaniyang post.

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

Nagpaabot naman ng pagbati sa kaniya ang mga kasamahan sa showbiz industry kagaya nina Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid, mga co-hosts sa Showtime na sina Ogie Alcasid at Bela Padilla, Melai Cantiveros, Yeng Constantino, Erik Santos, at iba pa.

Kung sisilipin sa official website ng Cadillac, ang 2024 Escalade ay aabot sa $81,895 o kung iko-convert sa Philippine peso ay nasa ₱4.6M.

Ang 2025 Escalade IQ naman ay nasa $127,700 o papalo na sa ₱7,202,663.

Sey ng mga netizen, deserved na deserved daw ng singer-actor-host kung anoman ang binili niya ngayon dahil matagal na rin naman siyang nagtatrabaho.

Congratulations, Darren!