October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bidang-bida ng co-host na si Cindy: Willie, hindi na nanenermon!

Bidang-bida ng co-host na si Cindy: Willie, hindi na nanenermon!
Photo courteys: Screenshots from Wil To Win (FB)/Cindy Miranda (FB)

Ipinagmalaki ng aktres-TV host na si Cindy Miranda na hindi na raw nanenermon nang live si Willie Revillame, sa TV5 show nitong "Wil To Win."

Matatandaang ilang araw pa lamang simula nang umere ang show ay pinag-usapan na ito dahil sa panenermon ni Kuya Wil sa kaniyang production staff at maging co-hosts dahil sa mga pagkakamali nito on-air.

MAKI-BALITA: Willie uminit-ulo, pinagalitan ang production staff ng 'Wil To Win' sa ere

Ipinaliwanag naman ni Willie na kaya ganoon siya ay dahil nais niyang maging maayos ang comeback niya, at nasa TV5 na ulit siya matapos umalis sa GMA Network at ALLTV.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Sa panayam ng TV5 showbiz news reporter na si MJ Marfori ay sinabi ni Cindy kung anong klaseng katrabaho si Kuya Wil.

"Kuya Wil is Kuya Wil, pero sobrang saya, napaka-generous ni Kuya Wil, napakabait, at sobrang saya ng show," anang Cindy.

"Hindi na po niya kami sinesermunan ngayon at never naman niya akong nasermunan live," bida pa niya.

MAKI-BALITA: Willie Revillame, hiniling na intindihin pagiging magagalitin niya

MAKI-BALITA: Imbes marelax: Netizens, na-stress daw sa panonood ng show ni Willie Revillame

Segunda naman ni MJ, parang si Cindy raw kasi ang "A student" ni Willie na parang perfectionist na valedictorian sa klase.

"Nakakaloka si Kuya Wil pero masaya, napakabait ni Kuya, kaya sana manood kayo araw-araw kasi sobrang saya lang talaga ng show, gusto lang naming tumulong sa mga tao, gusto lang naming magpasaya, 'yon lang talaga 'yong gusto ni Kuya Wil at gusto namin," anang Cindy.