September 20, 2024

Home SPORTS

Luis Manzano, hiningi premyong condo ni Carlos Yulo

Luis Manzano, hiningi premyong condo ni Carlos Yulo
Photo Courtesy: Luis Manzano (YT)

Hiniritan ng balato ni TV host-actor Luis Manzano ang two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast na si Carlos Yulo.

Sa latest episode kasi ng “Luis Listens” nitong Martes, Setyembre 3, napag-usapan ang tungkol sa mga premyong natanggap ni Carlos matapos ang tagumpay sa Olympics.

“Bawat basa mo sa social media, padagdag nang padagdag ang premyo mo, ‘di ba? May oto, may condo. Anong pakiramdam no’n?” tanong ni Luis.

“Sobrang grateful and thankful po ako na may parangal sila sa akin,” sagot ni Carlos. 

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“Pero hindi talaga matutumbasan po ‘yon, e. ‘Yong sacrifices, ‘yong lahat ng hirap na napagdaanan ko. Like, medal po talaga, e,” dugtong pa niya.

Kaya naman sabi ni Luis: “‘Yon, at least narinig natin. May mga witness tayo. Kung medal talaga ang talagang importante sayo, e, bat ‘di mo bigay sa ‘kin ‘yong iba? ‘Yong condo, bigay mo."

Sinakyan naman ng Fiipino gymnast ang biro ng Luis kaya mabilis siyang pumayag at nakipagkamay pa.

“Sige po,” aniya.

Matatandaang kamakailan lang ay pinasilip ng Megaworld ang hitsura sa loob ng three-bedroom condominium unit na ibinigay nila kay Carlos.

MAKI-BALITA: TINGNAN: Megaworld, ipinasilip ang 3-bedroom condo unit ni Carlos Yulo

Samantala, nito namang Setyembre 1 ay tinanggap ng Filipino gymnast ang isa na namang cash incentives na nagkakahalaga ng ₱5 milyon mula sa DigiPlus at ArenaPlus.

MAKI-BALITA: Luis Manzano, payag bang gumanap na Carlos Yulo sa pelikula?