October 06, 2024

Home SHOWBIZ

Kris Aquino, umaasang makakabalik na sa Pinas

Kris Aquino, umaasang makakabalik na sa Pinas
Photo Courtesy: Screenshots from Kimora Bernabe (IG)

Muling lumitaw ang presensya ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino sa pamamagitan ng isang video greeting.

Sa isang Instagram post ng hairstylist ni Kris na si Kimora Bernabe kamakailan, binati ng Queen of All Media ang kaibigan ni Kimora.

“Hi, to the friend of Ate Kimora, Gelli. Is it Jelly, as in jelly beans or is it Jelly, as in jealous? No, I’m sure Gelli, because you are generous and loving,” saad ni Kris.

“Ate Kimora said you gave a really great price para doon sa suot niyang earrings. Okay. Ako, naghahanap ng bracelet. Pero, as you can see, super teeny tiny ‘to,” wika niya habang pinapakita ang pulso.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Dagdag pa niya: “Give me a good price when we go home! Happy birthday.”

Matatandaang bago pa man ito ay nauna nang ibahagi ni Kris lagay ng kaniyang kalusugan at kung kailan niya balak bumalik sa bansa nang kapanayamin siya ni showbiz insider Ogie Diaz noong Hunyo.

MAKI-BALITA: Gumagaling na? Kris Aquino, binabalak nang umuwi sa Pinas