September 20, 2024

Home SHOWBIZ

Paolo Contis, Patrick Garcia natutong manahimik sa mga personal issue

Paolo Contis, Patrick Garcia natutong manahimik sa mga personal issue
Photo Courtesy: Paolo Contis (FB), Patrick Garcia (IG)

Ibinahagi ng Kapuso actor na si Paolo Contis ang natutuhan niya hinggil sa pagsagot sa mga panayam ng showbiz reporters.

Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Lunes, Setyembre 2, sinabi ni Paolo na natutuhan niya raw na huwag sagutin ang mga tanong na may kinalaman sa kaniyang personal na buhay.

“Mas magandang hindi pinag-uusapan ‘yan [personal issue] kasi mas okay ayusin ang mga bagay-bagay quietly. Sometimes people just pressure you to answer, especially ngayon ‘di ba sa social media,” lahad ni Paolo.

Pero sa totoo lang,” pasubali niya, “simula no’ng nanahimik ako mas maganda ‘yong nagagawa ko. For the all issues I have to fix, mas naaayos ko siya nang hindi ako nagsasalita.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag pa ng aktor: “I think such problems—dahil personal ito—it really should be fixed on a personal level.”

Sinang-ayun naman siya ng dating “Tabing Ilog” co-star niyang si Patrick Garcia tungkol sa bagay na ito. Ayon sa kaniya, imbes na masolusyunan, mas nagiging komplikado umano ang problema kapag naikukuwento ito sa marami.

“Sometimes when it’s personal, mas komplikado kasi siya. And if…kinukuwento mo siya, imbes na maso-solve siya mas nagiging komplikado pa siya,” aniya.

Matatandaang noong Mayo ay nasangkot na naman sa intriga si Paolo matapos lumutang ang tsikang hiwalay na umano sila ng aktres na si Yen Santos.

MAKI-BALITA: Yen binura daw ang birthday post para kay Paolo, sila pa raw ba?