May 22, 2026

Home SHOWBIZ

Sey ni Ogie Diaz: Sen. Rodante Marcoleta, takot sa kudeta

Sey ni Ogie Diaz: Sen. Rodante Marcoleta, takot sa kudeta
Photo Courtesy: Ogie Diaz, Rodante Marcoleta (FB)

Binanatan ni showbiz insider Ogie Diaz si Sen. Rodante Marcoleta kaugnay sa pahayag nito na masahol pa umano sa Hudas ang mga manghuhudas sa Senate majority bloc.

Sinabi ito ni Sen. Rodante sa gitna ng umuugong na usap-usapan tungkol sa planong kudeta sa majority bloc matapos ang kaguluhan sa Senado noong Mayo 13.

Anang senador, "Mas masahol pa kay Hudas ‘yong manghu-Hudas sa amin.”

Kaya sa Facebook MyDay ni Ogie nitong Miyerkules, Mayo 20, sinabi niyang tila kinakabahan umano ang senador na mabago ang ihip ng hangin.

"'Pag ganyan ang tono n'yo, takot 'yan. Nangangambang isang araw, magbabago uli ang ihip ng hangin,” saad ni Ogie.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Dagdag pa niya, “‘Di n’yo kailangang sabihin ‘yang ‘Hudas you think’ kung para sa bayan talaga ang pinaglalaban n’yo. Para sa bayan nga ba o para sa loyalty n'yo sa iilang tao?”

Samantala, wala pa namang tugon si Sen. Rodante sa patutsadang ito ni Ogie. 

Hindi ito ang unang beses na binanatan ng showbiz insider ang senador. Noong Setyembre 2025, kung kailan mainit na pinag-uusapan ang isyu ng flood control projects, kinuwestiyon ni Ogie si Sen. Rodante sa paggigiit nito na gawing state witness ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.

Maki-Balita: Ogie Diaz, kinuwestiyon si Sen. Marcoleta matapos igiit pagiging state witness ng mga Discaya

Matatandaang kabilang ang dalawang kompanya ng mag-asawa sa listahan ng top 15 contractor companies na pumaldo sa flood control projects ng gobyerno ayon mismo sa inilabas na datos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.