September 19, 2024

Home SPORTS

Eumir Marcial balik-bakbakan; moved-on na sa Paris Olympics

Eumir Marcial balik-bakbakan; moved-on na sa Paris Olympics
Photo courtesy: Olympics website

Kinumpirma ni Pinoy boxing Olympian Eumir Marcia ang muli niyang pagbabalik sa boxing ring matapos ang 2024 Paris Olympics kung saan bigo siyang makapagtapos sa podium finish.

Sa kaniyang Instagram post, tila pahiwatig ang #December, kung saan ito ang nakatakdang buwan ng kaniyang pagbabalik sa pakikipagbakbakan sa ring.

Inamin niya ring dinamdam niya ang pagkabigong makapag-uwi ng medalya sa nakaraang Paris Olympics kung saan matatandaang natalo siya kay Turabek Khabibullaev ng Uzbekistan sa round-of-16 ng men's 80kg division.

“After my Olympic campaign, I was quite depressed and wanted to end my boxing career. But thanks to all my Filipino fans who have supported and who made an effort in sending me encouraging messages,” ani Marcial.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagpasalamat din siya sa lahat ng suportang natanggap matapos ang resulta ng kaniyang kampanya.

“Pasensya na kung hindi ko kayo narereplyan lahat mga idol. Pero tuloy ang laban! Let’s Go #December,” dagdag ni Marcial.

Matatandaang nakapag-uwi ng tansong medalya si Marcial kasama sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam na kapwa nagkamit ng pilak na medalya noong 2020 Tokyo Olympics.

Kate Garcia