May 22, 2026

Home BALITA National

Sen. Marcoleta sa safety ni Sen. Bato: 'As safe when you're at home with your husband'

Sen. Marcoleta sa safety ni Sen. Bato: 'As safe when you're at home with your husband'
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Direktang sinagot ni Sen. Rodante Marcoleta ang urirat sa kaniya ng isang mamamahayag kaugnay sa kaligtasan ng kaniyang kasamahan na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado. 

Sa naging urirat kasi ng media kay Marcoleta habang papunta ang huli sa kanilang sesyon nitong Martes, Mayo 12, 2026, tinanong nila kung gaano kaligtas si Dela Rosa habang nananatili pa rin ito sa loob ng Senado.

‘How safe is Sen. Bato from arrest habang nandito siya sa Senado?” kuwestiyon ng media. 

Patutsada naman ni Marcoleta, tila kasing ligtas daw ni Dela Rosa ang babaeng mamamahayag na nagtanong sa kaniya kapag kasama nito ang kaniyang asawa sa loob ng kanilang bahay.

“As safe as you are when you are at home with your husband,” direktang punto ng senador. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“Ganoong kasimple?” dagdag pa ng reporter. 

“Yes, ma’am,” pagtitiyak ni Marcoleta. 

Matatandaang naging mainit ang tensyon sa Senado noong Lunes, Mayo 11, 2026, nang magawang takbuhan ni Dela Rosa ang mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos siyang habulin ng mga ito sa pagdalo niya sa kanilang sesyon. 

Sa pagdating ni Dela Rosa sa plenaryo, emosyonal niyang ibinahagi sa media na hinarang umano siya upang hindi makadalo sa sesyon ng Senado.

KAUGNAY NA BALITA: 'Hinarang ako!' Sen. Bato, galit na sumulpot sa Senado

Samantala, habang sinusulat ito, kasalukuyang dumalo sa sesyon ng Senado si Dela Rosa. 

Matatandaang nagkaroon ng pagpapalit ng liderato sa Senado noon ding Lunes kung pinalitan ni Sen. Alan Peter Cayetano bilang Senate President ang bumaba sa puwestong si Sen. Vicente “Tito” Sotto III. 

KAUGNAY NA BALITA: Cayetano sa mga kapuwa senador: 'Feel free to call me out!'