Nagbigay ng mensahe ng katatagan at pagpapatuloy ng laban si dating Senador Kiko Pangilinan matapos ang naganap na pagbabago sa liderato ng Senado noong Lunes, Mayo 11.
Sa kaniyang pahayag, inilarawan ni Pangilinan ang insidente bilang isang “temporary setback” o pansamantalang kabiguan, ngunit iginiit niyang hindi ito dahilan upang sumuko ang kanilang panig.
“It’s a temporary setback…. we didn’t give up in previous battles when the odds were far greater and yet we prevailed, we certainly will not give up now,” ani Pangilinan.
Dagdag pa niya, mananatili silang matatag sa pagsusulong ng kanilang mga adhikain para sa mamamayan.
“Para sa bayan. Walang bibitiw. Tuloy lang. Laban!” dagdag niya.
Photo courtesy: Screenshot from Kiko Pangilinan (FB)
Matatandaang naganap ang kudeta sa liderato ng Senado noong Lunes, Mayo 11, matapos palitan ni Sen. Alan Peter Cayetano si Sen. Tito Sotto III bilang Senate President, matapos makakuha ng majority votes mula sa mga kapwa senador.
Dahil dito, nalagay ulit sa minority bloc sina Pangilinan at iba pang mga dating kasama sa majority bloc, maliban kina Sen. Pia Cayetano, Sen. Camille Villar, Sen. Mark Villar, at bagong Senate President Pro Tempore Loren Legarda, na pumanig na mapalitan ni Cayetano si Sotto.
Sa kabila nito, nanawagan si Pangilinan ng patuloy na pakikibaka at pagkakaisa para sa kapakanan ng bansa.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"In times na nakakawala na ng gana, at least may sign pa para lumaban."
"Buti nga yan habang maaga nalalaman kung sino ang totoong pumapanig para katotohanan at sa bayan at kung sino ang pumapanig para sa interes ng iisang tao lamang!.Di rin tatagal,sila-sila lang din ang mag aaway nyan."
"Mapapagod, pero muling titindig at lalaban."
"The House did their job. All eyes are on the Senate now. The Filipinos are the majority judges, not the 13 iscariots who betrayed their trust."