September 19, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

True ba? 'Abot-Kamay na Pangarap,' mamamaalam na sa ere?

True ba? 'Abot-Kamay na Pangarap,' mamamaalam na sa ere?
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (FB)

Nagpahiwatig na ng pagwawakas ang top-rating teleserye ng GMA Network sa afternoon prime na "Abot Kamay na Pangarap."

Sa teaser ng episode 617 ng nasabing teleserye nitong Sabado, Agosto 31, makikita sa huling bahagi ang tekstong “Ang nalalapit na pagtatapos” sa ibaba ng titulo nito.

Ngunit wala pa namang ibang detalyeng inilalabas kung kailan ang eksaktong petsa ng pamamaalaman nito sa ere.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga reakisyon.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

"wala pa namang sinasabing last 2 weeks.. siguro aabot pa toh hanggang katapusan ng September?"

"Wag nyo itatapos ang abot kamay na pangarap please"

“Hay thanks malapit ng matapos , ilang weeks nlng kaya ito”

“Abangan Ang nalalapit na ending Ang huling limang taon ”

"Salamat naman!!! Matatapos na!!!"

"Nalalapit na pagtatapos? Talaga ba GMA? "

"Hay salamat nakrinig din aq ng ending "

Matatandaang kamakailan lang ay inulan din ng komento ang “Abot Kamay na Pangarap” nang muling magbalik ng karakter ni Pinky Amador bilang si "Morgana Go."

MAKI-BALITA: Seryeng Abot Kamay na Pangarap, nilalaro na lang?

Nagsimulang umere sa Kapuso Network ang nasabing teleserye noong Setyembre 2022 kung saan tampok ang kuwento ng mag-inang sina Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn (Jillian Ward).