October 05, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Julia mukhang bata pero malalim na tao, sey ni Gerald

Julia mukhang bata pero malalim na tao, sey ni Gerald
Photo Courtesy: Gerald Anderson, Julia Barretto (IG)

Inilarawan ni Kapamilya actor Gerald Anderson ang mga katangiang taglay ng jowa niyang si Julia Barretto na bet na bet niya raw sa isang babae.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Biyernes, Agosto 31, sinabi ni Gerald na bagama’t mukhang bata, malalim na tao umano si Julia.

"’Yong personality niya, ‘yong pagiging fighter niya, ‘yong pagiging malambing niya.Pag tiningnan mo siya, parang mukha siyang bata, mukha siyang pretty face lang,” saad ni Gerald.

"Pero, hindi,” pasubali niya. “Malalim siyang tao. She's very beautiful inside and out.”

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Bukod pa rito, nabanggit din ng aktor ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Julia bago pa man usisain ng press ang tungkol dito.

"She's very special to me. Alam naman ‘yon lahat ‘yan. Hindi naman magbabago yan,” ani Gerald. 

Dagdag pa niya: "But, itong moment na to, yung moment na ngayon, let her enjoy. Huwag natin madaliin."

Matatandaang kamakailan lang ay lumutang ang tsika na nagpasakal na umano silang dalawa sa ibang bansa.

MAKI-BALITA: Julia, Gerald kasal na sa ibang bansa?

Ngunit sa isang panayam ay pinabulaanan ni Gerald ang nasabing tsika dahil kung sakali man daw na mangyari ang kasal nila ng jowa ay hindi niya itatago ito.

MAKI-BALITA: Gerald Anderson, walang balak itago kasal nila ni Julia Barretto