September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Joshua Garcia, mapipikot ngayong taon?

Joshua Garcia, mapipikot ngayong taon?
Photo Courtesy: Joshua Garcia (IG)

Tila nanganganib umanong mapikot si Kapamilya star Joshua Garcia ayon sa prediksyon ng psychic at “Asia's Nostradamus” na si Jay Costura.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Biyernes, Agosto 30, pinag-iingat ni Jay si Joshua dahil nakikita niya umanong may babae raw na magpapanggap na buntis at ipapaako sa aktor ang bata.

Ayon kay Jay: “Si Joshua Garcia ay mananatiling talagang king sa movie. Napakagaling na bata ngayon. And mag-ingat lang siya kasi sa nakikita ko…may magpe-pretend na buntis at siya ang tatay.”

“‘Yan ang iingatan niya. Nape-feel ko na this year o pagpasok ng taon. So, mag-ingat-ingat siya. Be careful. It’s part naman sa atin na magmahal pero mag-ingat ka,” dugtong pa niya. 

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Matatandaang si Filipina-French athlete Emilienne Vigier ang kasalukuyang babaeng naiuugnay sa buhay ni Joshua.

MAKI-BALITA: 'Di nagselos?' Emilienne Vigier, proud sa movie ni Joshua Garcia kahit kasama ex-jowa

Samantala, bukod kay Joshua, isa rin sa mga hinulaan ni Jay ay ang patok na P-pop male group na SB19.

MAKI-BALITA: Hula ng psychic sa SB19: 'May aamin sa kanila na hindi straight!'

Nakilala si Jay sa social media noong nahulaan niya ang pagsadsad ng Xiamen Airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong 2018. Nasundan pa umano ito noong magbigay siya ng prediksyon sa pagdating ng Covid-19 noon namang 2022.