September 13, 2024

Home BALITA Probinsya

'Sabayang Pagpapasuso' inilunsad ng DOH sa La Union

'Sabayang Pagpapasuso' inilunsad ng DOH sa La Union

Inilunsad ng Department of Health (DOH) – Ilocos Region ang “sabayang pagpapasuso” ng mga ina sa lalawigan ng La Union sa Ilocos Region upang palakasin at itaguyod ang halaga ng pagpapasuso o breastfeeding, bilang tradisyon at pangangalaga sa sanggol. 

Nabatid na ang programa ay ginawa bilang paggunita sa National Breastfeeding Month ngayong buwan ng Agosto. 

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV, layunin ng programa na mabigyan ng wastong kaalaman ang mga ina sa kahalagahan ng eksklusibong pagpapasuso gamit ang sarili nilang gatas sa unang anim na buwan ng sanggol. 

“We aim to highlight the benefits and significance of exclusive breastfeeding and the health benefits and nutrition it provides for the development of the infant's immunity,” pagsasaad pa nya. 

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Ayon pa ka Dr. Bobis, hinihikayat nila ang mga lokal na pamahalaan sa mga iba’t-ibang probinsya na magdaos ng programa sa sabayang pagpapasuso upang lalong mapag-ibayo at matiyak ang pagiging malusog at maayos na paglaki ng mga sanggol. 

Ang unang “sabayang pagpapasuso” ay ginawa sa munisipalidad ng Aringay, La Union at dinaluhan ng 50 ina, gayundin sa  bayan ng Naguilian, La Union.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni Regional Director Paula Paz M. Sydiongco ang mga nanay na, hindi kayang pantayan ng powdered milk o anumang infant formula ang gatas ng ina sapagkat ito puno ng sapat na nutrisyon na kailangan ng isang sanggol upang sya ay lumaking ligtas sa sakit. 

“Exclusive breastfeeding strengthens the emotional bond between mother and child and helps reduce social and behavioral problems in both children and adults. It also helps builds an infant’s trust and shape the early behavior of babies,” paliwanag pa ni Dr. Sydiongco.