December 23, 2024

Home SPORTS

Carlos Yulo literal na naging ‘Golden Boy,’ paano?

Carlos Yulo literal na naging ‘Golden Boy,’ paano?

Panibagong ginto ang nakamit ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo matapos siyang makatanggap ng tunay na gold bar bilang parte pa rin ng pagkilala sa kaniyang tagumpay sa 2024 Paris Olympics.

KAUGNAY NA BALITA: 'Sa 'yo buong-buo!' BIR, hindi kakaltasan ng buwis rewards, incentives ni Carlos Yulo

Isang 24-carat gold bar ang inihandog ng Cebuana Lhuillier pawnshop para kay Carlos kung saan makikitang nakaukit ang itsura niya at titulong natanggap niya noong Paris Olympics.

Sa isang announcement video ng Cebuana sa kanilang Facebook page, ang gold bar ay simbolo umano ng dedikasyon at tagumpay ni Caloy.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“To Carlos (Yulo), these gold bars symbolize more than metal — they represent your unwavering commitment to greatness. May they inspire you to continue reaching new heights,”

Kasama si Gymnastics Association of the Philippines chief Cynthia Carrion, tinanggap ni Caloy ang gold bar sa isang exclusive event na inorganisa rin ng Cebuana.

Bukod sa gold bars, nagbigay rin ng karagdagang ₱100,000 donasyon ang Cebuana para umano sa pagpapayabong pa ng isports sa bansa.

Kate Garcia