September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Matapos ibuking ang kuya: Bea Borres nakiusap, 'Stop tormenting my brother!'

Matapos ibuking ang kuya: Bea Borres nakiusap, 'Stop tormenting my brother!'

Nakiusap ang online personality at kaibigan ni Andrea Brillantes na si Bea Borres na huwag nang batikusin ang kaniyang kuya matapos niyang maisiwalat sa "ToniTalks" ang tungkol sa ginawa nito sa kaniya noong bata pa sila.

Matatandaang sa panayam kay Toni Gonzaga, sinabi ni Bea na noong teenager pa lang sila, nabuking niyang kinukuhanan siya ng video ng kaniyang kuya habang hubo't hubad na naliligo sa banyo.

Ipinapadala raw ng kuya sa mga kaibigan o kakilala niya ang video para pagkakitaan.

Pero sa ngayon daw ay maayos na ang relasyon nilang dalawang magkapatid at napatawad na niya ito.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

MAKI-BALITA: Video ni Bea Borres habang hubo't hubad na naliligo, ikinalat ng kuya niya

Kaya naman, nakiusap si Bea sa publiko na huwag nang i-torment ang kaniyang kuya.

"Maybe I did overshare, but my past experiences have shaped me into the person I am today. Everything is well and forgiven, which is why I was comfortable enough to share my story. I've faced so much backlash already, so l'm not one to say 'stop bashing me,' but I hope we can stop tormenting my brother." pakiusap ni Bea.

"He has been getting professional help & has learned a lot. We have witnessed his change and growth. I love him and have already forgiven him a long time ago."

"There is so much more to the interview than just the title. Please set your biases aside and watch the entire thing. Mabuting tao ang kuya ko, he did his part and helped his self," aniya pa.

Bea Borres - Maybe I did overshare, but my past experiences have... | Facebook

Sa dulo ng post ay nag-iwan ng bible verse si Bea mula sa Ephesians.