September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jeric Gonzales, Rabiya Mateo hiwalay na ulit?

Jeric Gonzales, Rabiya Mateo hiwalay na ulit?
Photo Courtesy: Screenshots from Rabiya Mateo. Jeric Gonzales (IG)

Tila palaisipan sa maraming netizens ang kasalukuyang kalagayan ng relasyon nina Kapuso artists Rabiya Mateo at Jeric Gonzales.

Kumakalat kasi ang screenshots na hindi na umano naka-follow sina Rabiya at Jeric sa Instagram account ng isa’t isa. Para makasiguro, sinubukan ng Balita na tingnan at nakumpirma naming totoo nga ito.

Bukod pa rito, wala rin silang latest na pictures nang magkasama kahit na sa birthday celebration ni Jeric noong Agosto 7 bagama’t hindi naman burado ang kanilang old pictures and videos together.

Kaya naman sa huling post ni Jeric sa Instagram noong Hulyo 22, 2024, isang netizen ang nangahas magtanong kung bakit wala umano silang latest pictures ni Rabiya. 

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Pero sa halip na sagutin ni Jeric ang tanong, isa pang netizen ang nagbigay ng espekulasyon. Komento niya:

“break na sila cguro?”

Kung pagbabatayan naman ang ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan, masaya naman daw ang dalawa nang tanungin si Jeric sa isang press conference tungkol sa relasyon nila ni Rabiya.

“Happy and, yes, nagsusuportahan kami,” saad ni Jeric.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang dalawa tungkol sa nasabing intriga.

Matatandaang Hunyo 2022 nang umugong din ang usap-usapan tungkol sa hiwalayan nina Jeric at Rabiya matapos nilang i-unfollow ang isa’t isa sa Instagram.

Unang kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon noong Marso 2022 at kahit naghiwalay sila dahil sa isang hindi pagkakaunawaan ay naghiwalay naman umano sila nang maayos.

MAKI-BALITA: Jeric Gonzales at Rabiya Mateo, nagkabalikan na nga ba?