September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Gerald Santos, pinangalanan na umabuso sa kaniya

Gerald Santos, pinangalanan na umabuso sa kaniya
Photo Courtesy: Gerald Santos (FB)

Muling humarap sa senate hearing ng Committee on Public Information and Mass Mediasi dating Kapuso singer Gerald Santos nitong Martes, Agosto 27.

Sa pagkakataong ito, pinangalanan na ni Gerald ang musical director na humalay umano sa kaniya noong 15 years old pa lamang siya.

“Ngayon po ay handa ko nang harapin ang tunay kong kalaban—ang nanghalay at umabuso sa akin noong ako ay 15 years old pa lamang. Si Mr. Danny Tan. Maraming-maraming salamat po,” 

Binabalak na raw ni Gerald na maghain ng kaso sa nasabing musical director. Pero sa ngayon, pinag-aaralan pa umano kung rape o child abuse ang isasampang reklamo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa kabila nito, kinilala pa rin ng dating Kapuso singer ang GMA bilang kaniyang tahanan, sandigan at pader noong siya ay angsisimula pa lamang na mangarap.

Uulitin ko po na hindi po ako makikilala at magkakapangalan po sa industriya kung wala po ang GMA. Up until now, proud po ako na ako po ay minsang naging Kapuso,” aniya.