Binigyang-pugay ni Bise Presidente Sara Duterte ang mga manggagawang Pilipino ngayong Labor Day, Biyernes, Mayo 1.
“Mula sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, taos-pusong pagpupugay sa bawat manggagawang Pilipino–kayo ang haligi ng ating pag-unlad at pag-asa ng bayan,” saad ni Duterte sa kaniyang mensahe.
Aniya pa, sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at dedikasyon ng mga manggagawa, nagpapatuloy ang pag-usad ng bansa sa kabila ng mga hamong kinahaharap sa ekonomiya.
“Sa inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon, patuloy na umuusad ang ating bansa sa kabila ng mga hamong hinaharap. Kayo ang tunay na lakas ng ekonomiya,” pagkilala ni Duterte.
“Mabuhay ang manggagawang Pilipino!” dagdag pagkilala pa niya.
Samantala, kinilala rin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga manggagawa bilang sandigan ng republika sa kaniyang pagbati ngayong Labor Day.
MAKI-BALITA: ‘You are the backbone of our Republic!’ PBBM, kinilala mga manggagawang Pinoy