September 19, 2024

Home SPORTS

'Sharing is caring!' Madir ni Carlos Yulo, nagpakain sa mga kapitbahay

'Sharing is caring!' Madir ni Carlos Yulo, nagpakain sa mga kapitbahay
Photo courtesy: Screenshots from Angelica Poquiz Yulo (FB)

Ibinahagi ng ina ni two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast Angelica Yulo ang pamamahagi nila ng blessing ng kaniyang pamilya sa kanilang mga kapitbahay, sa pamamagitan ng pagpapakain sa kanila.

Sa kaniyang Facebook reel, makikita ang pagpapamudmod nila ng mga naka-pack na pagkain sa kanilang mga kapitbahay, na maaaring dulot na rin ng tagumpay at karangalang dinala ni Caloy sa kanilang pamilya at maging sa bansa. Karamihan sa mga binigyan nila ay mga bata. Makikitang may iniaabot na stub ang mga bata sa kanila at saka nila bibigyan ng food pack kasama ng nakapaketeng fruit juice. 

Facebook

Sa kabilang banda, nananatiling palaisipan pa rin sa lahat kung nagkita na ba sina Caloy at Angelica maging ang kaniyang mga kapatid na sina Elaiza at Karl Edriel Yulo na sumusunod na rin sa kaniyang yapak.

Carlos Yulo, sumilip sa live selling ng ina?

Kamakailan lamang ay binigyan ng pagkilala si Mommy Angelica ng isang salon dahil sa pagpapalaki raw sa mga anak na nagdadala ng karangalan sa bansa.

MAKI-BALITA: Angelica Yulo, pinarangalan dahil sa pagpapalaki ng mga anak na PH pride

Ibinida rin ng ina ang sales ng kaniyang longganisa na umabot sa higit ₱82k.

MAKI-BALITA: Kumita ng higit ₱82k: Longganisa ni Angelica, mabenta!