September 13, 2024

Home SHOWBIZ

Bea Borres, may tampo sa Diyos

Bea Borres, may tampo sa Diyos
Photo Courtesy: Bea Borres (IG), Freepik

Matapang na inamin ng social media personality na si Bea Borres ang dala-dala niyang tampo sa Diyos matapos pumanaw ng kaniyang mga magulang.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Agosto 25, sinabi ni Bea ang tungkol sa tampong ito. Pero nang makita raw niya si Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga sa isang church, nagpasya raw siyang buksan ang puso niya sa Diyos.

“Actually po, Miss Toni, mayro’n po akong tampo kay God. Kaya no’ng first time ko po kayong makita, noon po ako ready na ‘sige na nga. Open ko na heart ko kay God,’” saad ni Bea.

“Pero hanggang ngayon po kahit ino-open ko ‘yong heart ko kay God, may mga question pa rin ako na ‘Bakit gano’n? Parang kailangan nilang mawala para mag-bloom ako, mag-grow ako. Like, pa’no naman ‘yong mga kapatid ko? Pa’no ako?” aniya.

Richard Cruz, Jojo Nones itinatanggi pa rin bintang ni Sandro Muhlach

Nangyari ang pag-aming ito matapos ibahagi ni Bea ang pinagdaaanan niya nang magkasunod na pumanaw ang mommy at daddy niya na halos limang buwan lang ang pagitan.

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam, ikinuwento naman niya ang tungkol sa relasyon nila ng kaniyang kuya na minsan umanong ikinalat ang naked video niya sa kaibigan nito.

MAKI-BALITA: Video ni Bea Borres habang hubo't hubad na naliligo, ikinalat ng kuya niya