May 22, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Paano i-avail ang ₱10/L fuel discount para sa PUVs?

ALAMIN: Paano i-avail ang ₱10/L fuel discount para sa PUVs?
Photo courtesy: MB


Kamakailan lamang, inanunsyo ng Malacañang na magkakasa ang pamahalaan ng isang programa hinggil sa fuel discount na ipamamahagi ng ilang gasolinahan para sa mga public utility vehicles (PUVs), kasabay ang walang-humpay na paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo.

Pinangasiwaan ng Department of Energy (DOE) ang rollout ng nasabing diskwento sa produktong diesel, na aabot sa  ₱10 kada litro.

Ngunit paano nga ba ia-avail ang diskwentong ito—na siyang makatutulong sa mga pumapasadang tsuper sa gitna ng krisis sa langis?

Sa inilabas na impormasyon ng DOE nitong Linggo, Abril 19, makikita ang kwalipikasyon at mga dapat tandaan kung nais ma-avail ang nabanggit na programa para sa PUVs.

Photo courtesy: Department of Energy Philippines/FB


Sa hiwalay na anunsyo ng DOE noong Huwebes, Abril 16, inisa-isa naman ang ahensya ang mga gasoline stations na nagseserbisyo ng diskwento sa kada litro ng diesel.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Mga gasolinahang may ₱10/L fuel discount

Matatandaang isa lamang ito sa mga programa ng gobyerno kaugnay sa pagtaas ng presyo ng produkto ng petrolyo—bunsod ng sigalot na nagaganap sa Gitnang Silangan.

Ilan pa sa mga inisyatibong pinasinayaan na ng pamahalaan ay ang pagpipigil ng fare hike, fuel subsidy sa mga sektor na labis na apektado ng krisis sa langis, at libreng sakay para sa mga pasahero at komyuter.

MAKI-BALITA: PBBM, inanunsyo libreng-sakay, diskwento sa pamasahe