May 21, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Maaari pa bang gumaling ang taong diagnosed ng HIV?

ALAMIN: Maaari pa bang gumaling ang taong diagnosed ng HIV?
Photo courtesy: Pexels

Lumobo sa 4,277 ang bagong bilang ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa Pilipinas mula Oktubre hanggang Disyembre 2025, batay sa datos ng Department of Health. 

Sa talang ito, ang pangunahing mode of transmission ay ang sexual contact o pakikipagtalik, na sinundan ng male to male sex, female sex, at male to female sex. 

Mayroon ding pagkakahawa mula sa infected needles at mother-to-child transmission. 

Sa kabuoang bilang pa na ito, 565 ang mga menor de edad na nasa edad 15 pababa; ang sumunod namang 32% o 1,361 ay mga indibidwal na naa edad 15 hanggang 24. 

Tinatayang 45% o 1,929 naman ang mga nasa 25 hanggang 34; naa 19% o 821 ang mga nasa edad 35 hanggang 49; at 2% o 101 ang mga nasa edad 50 pataas. 

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

MAKI-BALITA: Higit 4k bagong HIV cases sa edad 15 - 34, naitala noong 2025; posibleng lumobo pa sa 2030!

Sa mga talang ito, maaari pa nga bang gumaling ang mga indibidwal na mayroong HIV?

Ayon sa pag-aaral ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), bilang virus na umaatake sa immune system ng katawan, ang HIV ay maaaring mauwi sa AIDS (Acquired Immunodeficiency Syndrome) kung hindi ito maaagapan ng karampatang treatment. 

Kaya sa kasalukuyan, wala pang partikular na lunas sa HIV. 

Gayunman, ang mga indibidwal na may HIV ay maaari pa ring magkaroon ng treatment na makatutulong upang magkaroon sila ng maayos na kalidad ng buhay habang pinoprotektahan ang kanilang partner. 

Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO), kadalasang ginagamit sa treatment ng HIV sa kasalukuyan ay ang antiretroviral drugs (ART), na tumutulong upang pigilan ang replication ng virus sa katawan. 

Nakatutulong ang ART na mapababa ang lebel ng virus sa punto na makakapag-function ng normal ang immune system at ang indibidwal na mayroong HIV ay may pag-asang magkaroon ng malusog na pangangatawan.

Ang kinakailangan lamang ay istriktong sumunod ang indibidwal sa kaniyang nakatakdang treatments.

Sa pagkakataon ding ito, mas mababa ang tiyansang mailipat ng indibidwal ang virus sa kaniyang partner. 

Kaya ayon sa HIV.gov, importanteng masimulan ng isang indibidwal na mayroong HIV ang kaniyang treatment pagkatapos niyang malaman ang kaniyang diagnosis. 

Sa treatment din na ito, mahalagang tandaan na mayroon ding side effects, na bagama’t iba-iba depende sa tao, ay kadalasang kinabibilangan ng mga sumusunod: 

- Nausea at pagsusuka

- Diarrhea

- Hirap sa pagtulog

- Panunuyo ng bibig

- Pananakit ng ulo

- Rash o pantal

- Pagkahilo

- Fatigue o madaling pagkapagod

- Pananakit ng katawan