May 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Monterrazas did not cause the flooding!’ Slater Young, nagsalita na

‘Monterrazas did not cause the flooding!’ Slater Young, nagsalita na
Photo courtesy: Slater Young (FB)

Naglabas na ng pahayag, matapos ang mahigit limang buwan, ang Pinoy Big Brother: Unlimited Big Winner at engineer na si Slater Young kaugnay sa naganap na matinding pagbaha sa Cebu dahil sa pananalasa ng bagyong Tino noong Nobyembre 3 hanggang 4, 2025. 

Matatandaang tinadtad ng hate comments ang social media accounts ng celebrity engineer dahil sinisisi ng mga netizen ang kaniyang proyektong "Monterrazas de Cebu," ang proyektong matagal nang ibinida ni Slater sa kaniyang vlog, na isang high-end residential project sa bundok.

Tuligsa ng netizens noon, naging dahilan ng malubhang pagbaha, ay marami umanong mga puno ang pinutol sa nabanggit na bundok para sa proyekto, bukod pa sa iba pang isyu gaya ng deforestation, umano'y posibleng poor sewage systems, weak city planning, climate change, disiplina sa basura, at pagtaas ng bilang ng populasyon.

Agad namang naglunsad ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng multistakeholder upang siyasatin ang proyektong Monterrazas de Cebu.

KAUGNAY NA BALITA: 'Kasalanan ng project?' Slater Young pinanggigilan, sinisi sa pagbaha sa Cebu

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Ayon naman sa inilabas na video statement ni Slater sa kaniyang Facebook page noong Linggo, Abril 19, 2026, nagawa muna niyang makiramay sa mga naging biktima ng trahedya ng bagyong Tino. 

Depensa ni Slater, napagdesisyunan daw nilang huwag munang maglabas ng pahayag noon dahil sa tingin nilang iyon ang tamang paraan na kailangan nilang gawin at hayaang gumulong muna ang imbestigasyon. 

Aniya pa, nakaranas din daw siya at lalo na ang kaniyang pamilya ng matinding kritisismo o pagpuna mula sa mga tao ngunit nilinaw niyang hindi maikukumpara ang mapait na naranasan ng mga direktang naging biktima ng naganap noong trahedya. 

Ani Slater, may lumabas na raw na pag-aaral mula sa isinagawa ng mga siyentista sa Unibersidad ng Pilipinas at nilinaw niyang walang koneksyon ang mga ito sa kumpanya nilang Monterrazas. 

“They found that Monterrazas did not cause or worsen the flooding.  What caused it was the sheer volume of rain,” diin niya. 

Pagpapatuloy pa niya, “Typhoon Tino dumped over a month's worth of rainfall in one single day. And that amount of water would have flooded those areas regardless of what was or was not built.” 

Anang engineer, nais din daw niyang ibahagi sa publiko na hindi lang daw nila basta nasunod ang mga standard sa water management at mas nahigitan pa nila ito. 

Dahil dito, napigilan pa nga raw ng kanilang mga detention pond ang 99.74% na binuhos ng ulan sa kanilang site at pinabagal nito ang pagbugso ng tubig na pababa sa bundok kung saan itinatayo ang kanilang proyekto. 

“And because of that, our detention ponds caught and held back up to 99.74% of the excess rain water coming off our site. Releasing it all slowly instead of letting it all rush down hill all at once,” aniya. 

Paliwanag pa niya, “The science did not just say we did not cause the flooding. It says that the system we have built in place helps reduce it. This is not our conclusion, it is theirs. And this study is public and anyone who wishes to go through it is free to do so.” 

Saad ni Slater, marami na rin daw investigative bodies ang tumingin sa mga ebidensyang inilabas ng nasabing pag-aaral at magkakaparehas lang daw ang naging konklusyon ng mga ito. 

Umaasa umano sila na pagbabasehan ng mga lalabas na ulat at istorya tungkol sa kanilang proyekto ang naging pag-aaral ng siyensya at hindi raw sila mananahimik pa sa maglalahad ng maling impormasyon upang maprotektahan na nila ang kanilang pamilya.

“We respect everyone’s right to their own opinion but we will not stay silent in the face of misinformation. We will take all necessary steps to protect our family from it,” ‘ika niya. 

“Cebu deserves a real solution and real solutions can only come from correctly identifying the real cause. That is work that is ongoing and Monterrazas is committed to being part of it. I am committed to becoming a part of it,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Tanungin natin si Slater Young, ano maganda gawin sa Sierra Madre?'—banat ni Rendon Labador

KAUGNAY NA BALITA: Home arrow SHOWBIZ arrow Tsika at Intriga arrow Bela Padilla binanatan Pangasinan solon, sapul kay Slater Young!