May 22, 2026

Home BALITA

Matapos may mamatay sa pila: Online payout sa ayuda, pinag-iisipan na ng DSWD

Matapos may mamatay sa pila: Online payout sa ayuda, pinag-iisipan na ng DSWD
Photo courtesy: File photo

May ginagawa na raw na konsultasyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang umarangkada na rin ang online payout sa pamimigay ng mga ayuda.

Sa panayam ng media kay DSWD spokesperson Irene Dumlao nitong Lunes, Abril 20, 2026, iginiit niyang pinag-aaralan na raw ng ahensya ang pag-adapt nila para sa electronic wallets kung saan nila padadaanin ang mga cash aides.

"Meron na tayong ginagwa na konsultasyon para sa adaption naman ng mga digital systems kasi nakikita naman natin yung value ng pag-adapt ng mga electronic wallets," ani Dumlao.

Saad pa ni Dumlao, “Especially sa panahon na ganito na mainit po yung panahon, ayaw talaga natin na pumipila rin yung ating mga vulnerable sectors."

Umugong muli ang usapin hinggil sa online ayuda matapos ang pagkamatay ng isang motorcycle rider habang nakapila sa pamamahagi ng ayuda sa mga rider noong Sabado, Abril 18 sa Quezon City.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Sa isang video na kumalat online, makikita ang mahabang pila ng mga rider sa paligid ng lugar, kung saan ang ilan ay gumagamit pa ng karton upang masalag ang init ng araw. 

KAUGNAY NA BALITA: Tahimik na naghihintay: Motor taxi rider na nakapila para sa ₱5k ayuda ng DSWD, patay!-Balita 

Samantala, nauna na ring kumpirmahin ng DSWD na sinagot nila ang mga kaukulang tulong na kinakailangan ng rider na nasawi, kabilang na ang pagpapalibing sa kaniya.

Ayon kay Dumlao, "We’ve heard of the unfortunate at nakakalungkot na incident yesterday and Sec. Rex immediately instructed a team to reach out to the family."

Dagdag pa niya, "Nakausap na namin ang anak at tutulungan namin sila magkaroon ng maayos na pagpapalibing sa tatay nila. All other assistance will be extended."

Iniutos din umano ni Gatchalian na sunduin ang pamilya ng nasawing rider mula sa kanilang probinsya at dalhin sa Metro Manila. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Nakakalungkot!' DSWD, sasagutin pagpapalibing sa rider na namatay sa pila ng ayuda