May 22, 2026

Home FEATURES Trending

Parang pelikula! Pasahero, ibinahagi karanasan sa PAL flight na nag-emergency landing sa Iloilo

Parang pelikula! Pasahero, ibinahagi karanasan sa PAL flight na nag-emergency landing sa Iloilo
Photo courtesy: Jong Narciso (FB)

Ibinahagi ng isang guro sa social media ang kaniyang nakakatakot ngunit makahulugang karanasan bilang isa sa mga pasahero ng isang Philippine Airlines flight mula Dumaguete City patungong Manila na napilitang magsagawa ng emergency landing sa Iloilo International Airport matapos umanong mawalan ng supply ng oxygen sa eroplano, nitong Linggo, Abril 19.

Ayon sa Facebook post ng gurong si Jong Narciso, bago pa man lumipad ang eroplano ay inihayag na ng kapitan na sinusubukan nilang ayusin ang problema sa air-conditioning sa loob ng cabin. Gayunman, hindi umano ito naresolba habang nasa himpapawid na ang sasakyang panghimpapawid.

Dagdag pa niya, naranasan din nila ang turbulence habang nasa biyahe, dahilan upang lalong maging mabigat at nakaka-stress ang sitwasyon. Kalaunan, awtomatikong bumagsak ang mga oxygen mask mula sa overhead compartments ng eroplano.

"While we were about to take off, the captain announced that they were trying to fix the aircon problem inside the cabin but midair it wasn't solved, plus there was turbulence which made the situation stressful and overwhelming, this caused the oxygen mask to automatically drop from overhead compartments ug diri gyud ko nakuyawan, kay sa salida ra nako ni nakita, but today I personally experienced it," aniya.

"Lord, my heart is still pounding, but it is full of gratitude."

Trending

Pinoy Guinness World Record holder, personal na kinilala ni PBBM

Sa kabila ng matinding kaba, sinabi niyang nanaig ang pasasalamat matapos ligtas na makapag-emergency landing ang eroplano sa Iloilo. Inilarawan niya ang pangyayari bilang patunay ng proteksiyon ng Diyos sa gitna ng panganib.

"What could have been a moment of fear and uncertainty became a testimony of Your protection. As our plane was forced to make an emergency landing here in Iloilo, I felt the weight of the situation—but even more, I felt Your presence. You are truly our refuge, our strong fortress in times of trouble."

"Thank You for holding us safely in Your hands while we were in the air. Thank You for not allowing harm or destruction to come upon us. You never leave Your children, even in moments when we feel most vulnerable," aniya pa.

Pinasalamatan din niya ang piloto at cabin crew sa kanilang pagiging kalmado at maayos na pagdedesisyon sa gitna ng pressure, na naging dahilan upang ligtas na makalapag ang lahat ng sakay.

"For the pilot and the crew—thank You for granting them calmness, wisdom, and steady hearts. In the middle of pressure, You guided their hands and decisions, and because of that, we are all here, safe on the ground," saad pa niya.

Ligtas naman ang mga pasahero bagama't may ilang kailangang bigyan ng medical assistance matapos makaranas ng pangangapos ng hininga.