May 20, 2026

Home BALITA National

PAL, nilimita sa 2 power banks ang maaaring dalhin kada pasahero

PAL, nilimita sa 2 power banks ang maaaring dalhin kada pasahero
Photo courtesy: PAL (website), Pexels

Nililimita ng Philippine Airlines (PAL) sa hanggang dalawang power banks kada pasahero ang maaaring dalhin sa kanilang pagbiyahe, alinsunod sa global safety standards ng International Civil Aviation Organization (ICAO). 

Batay pa sa inilabas na advisory ng PAL noong Sabado, Abril 18, ang dadalhing power banks ay hindi lalagpas ng 100 Watt-hours (Wh), at dapat malinaw itong naka-label sa power banks. 

Mahigpit ring ipinagbabawal ang charging o pagkakarga nito sa kasagsagan ng flight. 

Habang pinahihintulutan namang gamitin ito upang makargahan ang iba pang gadgets sa flight, pansamantala itong ipinahihinto sa kasagsagan ng taxi, takeoff, at landing. 

Sa storage o pagtatabi, inaabiso ng PAL na iempake ng magkahiwalay ang power banks upang maiwasan ang pagkakaroon ng short circuits. 

National

Arrest warrant kay Dela Rosa, valid; lahat ng ebalwasyon ng SC, ibabato sa DOJ—Palasyo

Binanggit din ng airline na iwasan itong isama sa checked baggage o overhead bins, bagkus, idikit sa sarili o ilagay sa harap ng nakatakdang upuan o kaya nama’y sa seat pockets. 

Sa kaugnay na ulat, ayon sa ICAO, layon ng bagong guideline na ito na maiwasan ang panganib na konektado sa lithium batteries, na may posibilidad mag-overheat o magdulot ng sunog dahil sa maling paggamit.