May 22, 2026

Home BALITA National

'Grabe may namatay na!' Guanzon, kumuda tungkol sa rider na namatay sa pila ng ayuda

'Grabe may namatay na!' Guanzon, kumuda tungkol sa rider na namatay sa pila ng ayuda
Photo courtesy: File Photo

Naglabas ng komento si dating Commission on Elections (Comelec) commissioner Atty. Rowena Guanzon kaugnay sa motorcycle taxi driver na nasawi habang nakapila para sa pagkuha ng ₱5,000 ayuda o fuel subsidy sa Quezon City Memorial Circle noong Sabado, Abril 18, 2026. 

Matatandaang kinumpirma mismo ito ng Spokesperson ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Assistant Secretary Irene Dumlao at sinabi nilang nakipag-ugnayan na sila sa pamilya ng rider at magbibigay ng nararapat na tulong, ayon na rin daw sa utos ni DSWD Sec. Rex Gatchalian.

Batay sa mga kaanak ng biktima, hinihinalang inatake sa puso ang nabanggit na rider, na sinabayan pa ng mainit na panahon.

KAUGNAY NA BALITA: Tahimik na naghihintay: Motor taxi rider na nakapila para sa ₱5k ayuda ng DSWD, patay!

Ayon naman sa naging pahayag ni Guanzon sa kaniyang Facebook post noong Linggo, Abril 19, nagawa niyang kuwestiyonin ang pamahalaan sa paraan ng pamimigay nito ng ayuda sa mga rider.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“[‘Yong] pagbibigay ayuda sa mga riders [bakit] kasi ginawa niyong centralize?” pagsisimula niya. 

Screenshot mula sa FB post ni Guanzon. 

Ani Guanzon, dapat daw ginaya na lang ang paraan ng pamimigay ng ayuda katulad noong panahon ng pandemya na sa bawat mga barangay at distrito lang ito isinagawa.

“Bakit] di niyo ginaya nung pandemic na brgy, brgy na lang? or by district?” aniya.

“[G]rabe may namatay na,” diin pa niya. 

Pagpapatuloy ng abogado, mga walang kain at puyat umano ang mga rider na pipila pa sa gitna ng init ng panahon. 

“Ang init init, ang haba ng pila, walang kain, puyat ang mga riders!” pagtatapos pa niya. 

Samantala, matatandaan namang agad na nag-utos si Gatchalian na makipag-ugnayan ang kanilang mga tauhan sa pamilya ng naturang nasawing rider. 

Kabilang sa ibinigay na ayuda ng DSWD ang gastusin sa ospital, pagpapalibing, transportasyon ng mga kaanak, at tulong para sa patuloy na pag-aaral ng anak ng biktima.

KAUGNAY NA BALITA: 'Nakakalungkot!' DSWD, sasagutin pagpapalibing sa rider na namatay sa pila ng ayuda

KAUGNAY NA BALITA: 'Imbes na ayuda, abuloy!' MANIBELA, nagkomento sa pagkamatay ng rider sa pila ng ayuda