Sunod-sunod na social media posts ang pinakawalan ng transport group na MANIBELA matapos mapaulat ang pagkasawi ng isang motorcycle rider sa Quezon City Memorial Circle noong Sabado, Abril 18.
Base sa kumpirmasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasawi ang rider sa pilahan ng ₱5,000 fuel subsidy o tulong-pinansyal sa nabanggit na payout site.
MAKI-BALITA: Tahimik na naghihintay: Motor taxi rider na nakapila para sa ₱5k ayuda ng DSWD, patay!
Tila ikinalungkot naman ng MANIBELA ang pagkasawi ng rider, na mababasa sa serye ng kanilang Facebook posts nitong Linggo, Abril 19.
“[S]a sobrang init papipilahin ka ng pagkahaba haba…imbes kukuha [ng] ikakabuhay namatay pa,” saad ng MANIBELA sa kanilang post.
“[K]ailangan pang may mamatay sa pagpila sa ayuda,” anila sa hiwalay na Facebook post.
“[I]mbes na ayuda ang makukuha abuloy na, inatake namatay sa pagpila sa ayuda,” anang transport group.
Photo courtesy: MANIBELA/FB
Samantala, tiniyak naman ng DSWD na sila ay handang magpaabot ng saklolo para sa namatay na rider—kabilang na ang pagpapalibing nito at iba pang mga tulong o assistance.
"Nakausap na namin ang anak at tutulungan namin sila magkaroon ng maayos na pagpapalibing sa tatay nila. All other assistance will be extended,” saad ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao.
MAKI-BALITA: 'Nakakalungkot!' DSWD, sasagutin pagpapalibing sa rider na namatay sa pila ng ayuda