September 13, 2024

Home BALITA Metro

Lalaking naglalakad lang, pinagbabaril sa Tondo

Lalaking naglalakad lang, pinagbabaril sa Tondo
file photo

Pinagbabaril ng motorcycle rider ang isang lalaking naglalakad lang umano sa Tondo, Manila nitong Biyernes. 

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si alyas 'Darius,' ng Osorio Lacson St., sa Tondo.

Samantala, nakatakas at tinutugis na ng mga awtoridad ang di pa kilalang suspek na inilarawang nakasuot ng asul na jacket at itim na helmet.

Sa ulat ng Homicide Section ng Manila Police District (MPD), nabatid na dakong alas-7:55 ng umaga nang maganap ang krimen sa Gerona St., kanto ng N. Zamora St., sa Tondo.

Metro

Lolo, na-hit-and-run ng SUV, patay!

Sa kuha ng CCTV, makikitang naglalakad lamang sa lugar ang biktima nang bigla na lang barilin ng suspek, na lulan ng isang asul na Yamaha Mio motorcycle.

Nang matiyak na napuruhan ang biktima ay mabilis nang tumakas ang suspek patungong Franco St., bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Nag-iimbestiga na ang mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa pagpatay.