September 13, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Medyo friendly ako!' John Estrada, 'di alam bakit habulin siya

'Medyo friendly ako!' John Estrada, 'di alam bakit habulin siya
Photo courtesy: Screenshot from Rated Korina/YouTube

Diretsahang tinanong ng mamamahayag na si Korina Sanchez-Roxas ang aktor na si John Estrada kung bakit sa palagay niya ay "habulin" siya ng mga babaeng nagkakagusto sa kaniya.

Sumalang si "Rigor" sa panayam ni Korina sa kaniyang magazine show na "Rated Korina."

Pag-amin ni John, hindi rin daw niya alam ang sagot.

"Honestly Ms. K, hindi ko rin alam. I don't consider myself habulin."

Tsika at Intriga

Payo ni Valentine kay Chloe: 'Beh matuto ka gumalang sa mas nakakatanda sayo!'

Ngunit tila hindi kumbinsido si Koring sa sagot ni John.

"Totoo ba 'yan?" untag ni Korina.

"Hindi talaga, alam ko lang, medyo friendly ako..."

Matatandaang dumaan sa pagsubok ang mga relasyon ni John magmula pa noon kay Janice De Belen, at hanggang ngayon, sa misis niyang si Priscilla Meirelles.

MAKI-BALITA: Riggghhhooouuurrr! Sino-sino nga ba ang mga babaeng na-link kay John Estrada?

Ilang mga babae na rin ang naugnay sa kaniya kabilang na ang isang Cebuana influencer na nakasagutan pa nga ng misis niyang si Priscilla.

MAKI-BALITA: 'Nagbabagang tsaa!' Cryptic posts ng misis ni John Estrada, usap-usapan

MAKI-BALITA: Priscilla Meirelles, inaming may marital problem sila ni John Estrada

MAKI-BALITA: Cebuana influencer na na-link kay John Estrada, may reaksiyon sa post ni Xian Gaza

Nagkaayos man, tila muling nagkalamat ang relasyon ng mag-asawa kamakailan, matapos pangalanan ni Priscilla kung sino ang kasama ni John sa Boracay nang mag-unwind ito roon, mula sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo."

MAKI-BALITA: Babaeng 'kasama' raw ni John Estrada sa Boracay, pinangalanan ng misis