September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Claudine full support sa pagpalag nina Sandro, Gerald sa sexual harassment

Claudine full support sa pagpalag nina Sandro, Gerald sa sexual harassment
Photo courtesy: Screenshots from Senate of the Philippines (FB)/Claudine Barretto (IG)

Naniniwala si Optimum Star Claudine Barretto na tama lang ang ginagawa nina Sandro Muhlach at Gerald Santos na kalampagin ang mga taong umano'y nagsagawa ng sexual harassment at rape sa kanila upang makamit ang hustisyang deserve nila.

Sa isinagawang live ni Clau kamakailan, sinabi ng aktres na malapit ang loob niya sa tatay ni Sandro na si Niño Muhlach dahil kaibigan ito ng kaniyang ateng si Marjorie Barretto, at bata pa lamang siya ay napapanood na niya ito.

Bilang isang ina, ibinibigay ni Claudine ang 100% na suporta kina Sandro at Gerald, na dumalo na nga sa senate hearing ng Committee on Public Information and Mass Media na pinamumunuan ni Senador Robin Padilla, upang talakayin ang patungkol sa mga nagaganap na sexual harassment at sexual abuse sa loob ng showbiz industry.

"Grabe 'yong pinagdadaanan nila, I'm just glad na lahat 'to lumalabas para makamit 'yong hustisyang kailangan nila," anang Claudine.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sinopla rin ni Clau ang mga bumabatikos sa dating GMA singer na si Gerald kung bakit ngayon na lang ulit nagsasalita patungkol sa isyu ng umano'y panggagahasa sa kaniya ng isang musical director, noong baguhan pa lamang siya sa network.

"Again, I support Gerald, 100%. Huwag po nating kwestiyunin kasi po ang tao na may pinagdaanan na ganiyan, hindi ho agad-agad nagsasalita. ‘Pag namolestiya ka, na-sexual harass ka, hindi po agad-agad nagsasalita," aniya.

MAKI-BALITA: Matapos amining na-rape: Gerald Santos, humingi ng tulong kina Robin Padilla, Jinggoy Estrada