September 12, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Sila pa naman:' Cristine, Marco pinakaba lang ang netizens

'Sila pa naman:' Cristine, Marco pinakaba lang ang netizens
Photo Courtesy: Cristine Reyes (IG)

Tila sinupalpal ng aktres na si Cristine Reyes ang mga umiintrigang hiwalay na sila ng jowa niyang si Marco Gumabao.

Sa latest Instagram post kasi ni Cristine nitong Linggo, Agosto 18, ibinahagi niya ang ilang sweet photos nila ni Marco matapos kumalat ang nasabing intriga.

“Wishing you all the best on your special birthday concert, my Love. ” saad pa niya sa caption ng post.

Ang concert na tinutukoy ni Cristine ay ang birthday concert ni Marco na ginanap sa Goa Central School sa pesta ring binanggit sa itaas.

Relasyon at Hiwalayan

'Sky is the limit daw!' Madir na si Jackie, aprub kay Kyline para kay Kobe?

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizen ang nasabing post ng aktres para sa jowa nito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Love "

"Sila pa naman ah. Mga jijiera talaga ibang netizens. Keep the fire burning love birds! "

"Grabe ang beautiful nya. Like TRUE DEFINITION OF BEAUTIFUL"

"Tagal ko nag abang huhu kinabahan ako. "

"Buti na lang naisipan ng magpost akoy stressed eh . Love you both"

"Walang hiwalayan huh!!! Umayos kayo!"

"Tamissss"

Matatandaang tinadtad si Marco ng tanong mula sa mga netizen kung sila pa raw ba ni Cristine matapos mapansing wala ang huli sa birthday celebration nito. 

MAKI-BALITA; Marco Gumabao, tinadtad ng tanong kung sila pa ni Cristine Reyes

Lalong lumakas ang hinala nila nang mag-deactivate si Cristine ng kaniyang Instagram account. Pero sa isang panayam ay pinabulaanan ng kaniyang kapatid na si Ara Mina ang tungkol sa naturang isyu ng hiwalayan.

MAKI-BALITA: Ara Mina, nagsalita sa tsikang hiwalay na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao