October 05, 2024

Home BALITA National

Phivolcs, nagbabala sa volcanic smog mula sa Bulkang Taal

Phivolcs, nagbabala sa volcanic smog mula sa Bulkang Taal
MB PHOTO BY MARK BALMORES

Ngayong Lunes, Agosto 19, nabalot ng volcanic smog o "vog" ang mga lugar na malapit sa Bulkang Taal dahil sa tuloy-tuloy na degassing activity nito. 

Sa inilabas na 24-hour Taal Volcano summary ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong 8:00 ng umaga, nagbubuga ang bulkan ng 3355 tonelada ng volcanic sulfur dioxide (SO2) gas kada araw, mula Agosto 15, na nagdulot ng vog sa ilang mga lugar. 

Bagamat nananatili sa Alert Level 1, naobserbahan din ng ahensya ang 2400 metrong taas na malakas na pagsingaw mula sa punganga ng bulkang Taal. 

Dahil dito, ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok sa Taal Volcano Island, lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures, at pamamalagi sa lawa ng Taal. 

National

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Ipinagbabawal din ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

Samantala, naglabas ng paalala ang Phivolcs na maaaring maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall, at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas. 

Nagbabala rin ang ahensya na maaaring magdulot ng hindi maganda sa katawan ang exposure sa volcanic SO2, kagaya ng iritasyon sa mata, lalamunan, at respiratory tract--partikular sa may mga preexising health conditions na asthma, lung disease, at heart disease. Delikado rin para sa mga senior citizens, mga buntis, at mga bata. 

“Avoid outdoor activities, stay indoors, and shut doors and windows to block out volcanic gas,” ayon sa Phivolcs.

Dagdag pa nila, “Protect yourself by covering your nose, ideally with an N95 facemask. Drink plenty of water to reduce any throat irritation or constriction. If belonging to the particularly sensitive group of people above, watch over yourself and seek help from a doctor or the barangay health unit if needed, especially if serious effects are experienced."