September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Nanay ni Carlos Yulo, nagtitinda ng longganisa?

Nanay ni Carlos Yulo, nagtitinda ng longganisa?
Photo courtesy: Angelica Poquiz Yulo (FB)/Freepik

Nag-post daw ang nanay ni two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo na si Angelica Yulo na nag-aalok siya sa mga bibili para sa kaniyang homemade garlic longganisa.

Mababasa sa Facebook account na "Angelica Poquiz Yulo" ang panawagan niya sa mga netizen na umorder na sa kaniya.

"Collecting orders of home made garlic longganisa ala Vigan pm for orders 380/kilo" mababasa sa post.

Collecting orders of home made garlic... - Angelica Poquiz Yulo | Facebook

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

In fairness marami naman ang nagpapakita ng suporta sa kaniya dahil marami ang nagtatanong sa kaniya, at sumasagot naman siya sa mga tanong.

Sa iba pang post, ibinida niya ang bigay na rubber shoes sa kaniya ng isa sa mga anak.

"Yung Isang anak mo na di nagpakabog Kay Elaiza Yulo tapos Sabi pa nya sa akin mama 13k ang budget ko for you. Ok na to nak tabi no na ung ibang money mo. Alam ko kulang pa yan sau kasi akala mo anak ka ni Henry Sy sa lakas mong gumastos thank you so much Karl Yulo ," mababasa rito.

Yung Isang anak mo na di nagpakabog Kay... - Angelica Poquiz Yulo | Facebook

Matatandaang ang huling update sa nanay ni Caloy ay nang magsagawa siya ng press conference upang ipaliwanag ang kaniyang sarili sa pinag-usapang hidwaan nilang mag-ina sa social media.

Dito ay humingi siya ng tawad sa mga nasabi niya sa anak at sa jowa nitong si Chloe San Jose.