September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Gerald Anderson, walang balak itago kasal nila ni Julia Barretto

Gerald Anderson, walang balak itago kasal nila ni Julia Barretto
Photo Courtesy: Gerald Anderson, Julia Barretto (IG)

Nagsalita na si Kapamilya actor Gerald Anderson patungkol sa kumakalat na tsika na kasal na umano sila sa ibang bansa ng jowa niyang si Julia Barretto.

Sa isang panayam ng mga media personnel, sinabi ni Gerald na hindi umano niya na kung may kasalan man umanong mangyari, hindi niya itatago ang tungkol sa bagay na ito.

“Kapag nangyari man ‘yon, it’s not something na itatago. Even si Mama Ogs [Ogie Diaz] nag-message sa akin. ‘Ge, totoo ba 'yong ano?’ Sabi ko, hindi po. I'll be proud of that,” pahayag ni Gerald.

Dagdag pa ng aktor, bagama’t cliche umanong pakinggan, marami pa raw siyang nakalinyang proyekto. 

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

In fact, noong Mayo 2024 ay sumasailalim umano siya sa fight training para sa pelikulang “On the Job” ni award-winning director Erik Matti.

Matatandaang tinalakay ni Ogie sa kaniyang showbiz-oriented vlog ang tsikang nagpakasal na umano sina Gerald at Julia matapos umano siyang tanungin tungkol dito.