September 19, 2024

Home BALITA

Atty. Luke Espiritu kay Sen. Robin Padilla: 'Wag kang bastos!'

Atty. Luke Espiritu kay Sen. Robin Padilla: 'Wag kang bastos!'
Photo Courtesy: Robin Padilla, Luke Espiritu (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si Atty. Luke Espiritu sa pananaw ni Senador Robin Padilla kaugnay sa usapin ng marital sexual consent.

Sa Facebook post ni Espiritu noong Biyernes, Agosto 16, ipinaalala niya kay Padilla ang isang pinakamahalagang bagay pagdating sa marital sex.

“Paalala natin kay kagalang-galang na Senador Robinhood Padilla: Consent is a must. Wag kang bastos,” saad ni Espiritu.

Matatandaang sa pagdinig kamakailan ng Senate Committee on Public Information and Mass Media tungkol sa umano'y sexual harassment sa media industry, napag-usapan ang tungkol sa "rape."

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Dito inilahad ni family lawyer and women’s rights advocate Atty. Lorna Kapunan na nangyayari pa rin ang "rape" sa mag-asawa.

Ngunit tila iginigiit ni Padilla ang sexual rights ng kalalakihan sa asawa nito nang sabihin niyang may iba raw talagang urge ang mga lalaki.

MAKI-BALITA: Padilla, naniniwalang may sexual rights sa asawa: 'Hindi mo naman pinipili kung kailan ka in heat'