October 05, 2024

Home BALITA National

Padilla, naniniwalang may sexual rights sa asawa: 'Hindi mo naman pinipili kung kailan ka in heat'

Padilla, naniniwalang may sexual rights sa asawa: 'Hindi mo naman pinipili kung kailan ka in heat'
photos courtesy: Senate PRIB

Naniniwala umano si Senador Robin Padilla na may sexual rights ang mag-asawa sa isa't isa. 

Sa pagpapatuloy ng pandinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media tungkol sa umano'y sexual harassment sa media industry, napag-usapan ang tungkol sa "rape."

Dito inilahad ni family lawyer and women’s rights advocate Lorna Kapunan na nangyayari pa rin ang "rape" sa mag-asawa. 

“So 'yung dati po na sinasabi na obligasyon ng asawa na babae o lalaki na kapag ka humiling ang asawa, lalaki o babae, dapat pagbigyan, hindi na po 'yan?” tanong ni Padilla kay Kapunan. 

National

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“'Pag sinabing no, no means no applies to both genders... Hindi siya pwede i-force no'ng asawa," ani Kapunan. 

Sumunod na tanong ng Senador kung ano ang gagawin ng mga mister sakaling wala sa mood makipag-sex ang kanilang misis. 

"'Di mo maiaalis sa mag-asawa na ang paniniwala-lalo kami, ako- meron kang sexual rights sa asawa mo eh. So halimbawa, hindi mo naman pinipili eh kung kailan ka 'yung in heat. Papano 'yun? 'pag ayaw ng asawa mo, so wala pong ibang paraan talaga para ma-ano 'yung lalaki? So papano 'yun, mambababae ka na lang ba? 'Di kaso na naman 'yun.. Ano 'yung pwedeng sabihin sa asawa mo na 'paano ako?Wala ka sa mood, paano akong nasa mood?" ani Padilla.

Dagdag pa niya, "Siguro naman, sasang-ayon naman sa akin ang mga taumbayan 'pag sinabi kong may iba talagang urge ang mga lalaki, talagang nandoon e... Papano 'yun, nandiyan ang asawa mo to serve you, ayaw niya, anong pwede kong [gawin] para hindi ako mareklamo ng asawa ko, anong pwede kong sabihin sa kaniya?"

Binigyang-diin naman ni Kapunan ang importansya ng "mutual respect" sa pagitan ng mag-asawa. 

"Kailangan po ng counseling o magdasal na lang kayo [...] manood po kayo ng Netflix, Korean telenovela [...] That's why it's important 'yung issue ng mutual respect," saad ni Kapunan.

"If your spouse refuses, whether valid or hindi, respetuhin natin 'yung desisyon ng wife or no'ng husband in that case. 'Yung statement ng chair, with all due respect, hindi po obligasyon ng isang wife. Sabi mo, is to serve the husband [...] In fact, idagdag ko lang 'no kasi maraming lalaking nakikinig... We amended the Family Code to remove the obligation of obedience... mutual respect na ngayon," dagdag pa ni Kapunan.