September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz, nag-react matapos madawit sa senate hearing ng isyu ni Sandro Muhlach

Ogie Diaz, nag-react matapos madawit sa senate hearing ng isyu ni Sandro Muhlach
Photo Courtesy: Sandro Muhlach (IG), Ogie Diaz, Senate of the Philippines (FB)

Nagbigay na ng reaksiyon si showbiz insider Ogie Diaz matapos siyang mabanggit ni Senador Jinggoy Estrada sa senate hearing kaugnay sa isyu ng anak ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach.

Kinuwestiyon kasi ni Estrada kung paano raw nakarating kay Ogie ang tungkol sa pananamantala umano kay Sandro gayong ayon kay Niño ay ayaw raw nitong may ibang makaalam sa nangyari.

Sa latest  episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, ipinaliwanang ni Ogie ang kaniyang panig at sinabing may mga sources umano siya.

“Unang-una sa lahat, syempre may mga sources tayo. Hindi naman tayo pwedeng mag-imbento ng mga balita. Balita ‘yan, e, ‘di ba,” saad ni Ogie.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Pangalawa, gusto ko maimbestigahan ito. Gusto ko magkaroon ng linaw ‘yong isyu kay Sandro at malaman din ng mga tao kung ano ‘yong saloobin ng dalawang independent contractors ng GMA 7 na sina Jojo Nones at Richard Dode Cruz.”

Matatandaang nagbigay ng reaksiyon si Ogie matapos lumabas ang blind item ng Philippine Entertainment Portal (PEP) tungkol sa isang baguhang aktor na pinagtangkaan umanong halayin ng dalawang TV  executives.

MAKI-BALITA: Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?