September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Hiwalay na kay Marco? Cristine, nag-deactivate ng IG account

Hiwalay na kay Marco? Cristine, nag-deactivate ng IG account
Photo courtesy: Cristine Reyes (FB)

Lalong lumalakas ang ingay na baka hiwalay na raw ang mag-jowang sina Cristine Reyes at Marco Gumabao matapos masilip ng mga online marites na naka-deactivate ang Instagram account ng aktres.

Tila nagiging paraan na kasi ng mga netizen ang pag-check sa following status ng celebrities kung totoo ba ang mga kumakalat na tsika ng hiwalayan o kaya naman, alitan.

Nabulabog ang comment section ng isa sa mga Instagram post ni Marco matapos usisain ng netizens kung sila pa o hiwalay na sila ni Cristine.

Nag-Instagram post kasi si Marco tungkol sa kaniyang katatapos na pagdiriwang ng 30th birthday.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Ang mga netizen, tila napansing wala raw sa celebration si Cristine at hindi rin binanggit ni Marco. 

Kaya tanong nila, bakit wala raw ang girlfriend sa isa sa mahahalagang selebrasyon sa buhay ng isang tao, lalo't bantad naman na sa lahat ang kanilang relasyon.

Sinilip din ng mga marites ang Instagram account ni Cristine upang i-check kung fina-follow pa niya si Marco. At doon na nga nakumpirmang naka-deactivate na si Cristine.

MAKI-BALITA: Marco Gumabao, tinadtad ng tanong kung sila pa ni Cristine Reyes                   

Dahil nga naka-deactivate si Cristine, hindi lilitaw sa following ni Marco ang account ng jowa. Mapapansing nasa account pa niya ang larawan nila ni Tine na pinost pa noong July 29. 

Photo courtesy: Screenshot from Marco Gumabao (IG)

Sa Facebook account naman ni Cristine, makikita pa rin ang mga larawan at post na magkasama sila ni Marco. 

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Marco at Cristine tungkol sa isyu.