September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chloe San Jose, tinawag na 'papansin', 'pasikat' ng netizens

Chloe San Jose, tinawag na 'papansin', 'pasikat' ng netizens
photo courtesy: Bongbong Marcos/FB

Nakatanggap na naman ng pang-ookray mula sa netizens si Chloe San Jose, girlfriend ni two-time Olympics gold medalist Carlos Yulo, nang makita nila ito sa isang photo opportunity kasama si Pangulong Bongbong Marcos. 

Nitong Martes, Agosto 13, sinalubong ng Pangulo ang Filipino Olympians sa palasyo ng Malacañang, nang sila ay dumating mula sa Villamor Air Base sa Pasay City.

BASAHIN: PBBM, pinangunahan pagkakaloob ng medal of merit, premyo kay Yulo

Nito namang Miyerkules, Agosto 14, sa Facebook page ni PBBM, inupload ang mga larawan mula sa homecoming ng mga olympians--kung saan nakita ng mga netizen na kasama rin sa photo opportunity si Chloe. 

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa comment section, makikita ang pang-ookray ng mga netizen kay Chloe. May mga nagsasabi na "papansin" at "pasikat" daw ito.

"Congratulations Carlos Yulo and to your coach. Hindi na tlga xa tinatablan ng hiya basta maisiksik yung sarili nya kahit mas deserves sana kasama ung coach ni Carlos. Photo. Kaumay na neh."

"May epal"

"Last mo na to Anteh dpat sna c mama angge ni caloy ksma nya jn"

"Super nakaka wala na ng respect to si blondie. Nakakalungkot dapat immediate family yung kasama niya. Anyway, congrats carlos!!!!"

"She really likes being in the SPOTLIGHT. She really is a NARCISSIST"

"Yung coach man lng sana ang naanjan or Father ni Caloy..but sad to say na Insensitive ung GF ni Caloy at walang initiative..apaka OA..hahaha"

"Congrats Coach Chloe! Bat ang layo mo, dpt dun ka nkapulupot sa tabi nya. Hnde tuloy kme sanay. So sad."

"Bakit may sumingit na naman jan? Kakaalibadbad naman, dinaig pa si Jinkee na never nakisingit kay Pacquiao kahit asawa niya un at nasa kanya lahat ng karapatan. Itong isa, kakasura, sobrang pasikat to the highest level, hindi mo malaman kung ano ba gusto iachieve."

"Papansin tlga yung Chloe. Kulang sa aruga"

"Know your place din sana"

"Laging gusto ng spotlight at pinag uusapan siya, kase kung ayaw mo talaga sa issue di ka gagawa ng bagay na alam mong pag uusapan ka at ikaw ang mismong iiwas"