September 18, 2024

Home SPORTS

Carlos Yulo, pinasalamatan ang ama matapos siyang abangan sa parada

Carlos Yulo, pinasalamatan ang ama matapos siyang abangan sa parada
Photo Courtesy: Screenshots from RTVM (FB)

“Kitakits soon, Pa!”

Pinasalamatan ni Filipino gymnast at two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo ang kaniyang ama matapos siya nitong abangan sa ginanap na Filipino Olympian Heroes’ Welcome Parade sa Maynila nitong Miyerkules, Agosto 14.

Sa Facebook post ni Yulo sa parehong petsang nabanggit sa itaas, sinabi niya na masaya umano siyang makita ang ama sa parada.

“Maraming salamat Pa, masaya ako nakita kita don nakasuporta! Pasensya na pa hindi ako masyado nakakaway, ang daming nag pa authograph hehe ” saad ni Yulo.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Dagdag pa niya: “Kitakits soon Pa Mark Andrew Yulo ”

Matatandaang matapos manalo ni Yulo sa Paris Olympics 2024 ay nagsimulang lumutang ang sigalot sa kaniyang pamilya.

Pero sa isang panayam, nagpaabot sa kaniya ng mensahe ang tatay niya para ayusin kung anoman ang hindi nila pagkakaintindihan sa pamilya.

MAKI-BALITA: Tatay ni Carlos Yulo, nakiusap sa anak na mag-usap na sila ng nanay, mga utol niya