September 20, 2024

Home SHOWBIZ

Andrew Schimmer, Dimps Greenvilla magkaka-baby na!

Andrew Schimmer, Dimps Greenvilla magkaka-baby na!
Photo Courtesy: Dimpes Greenvilla, Andrew Schimmer (FB)

Masayang inanunsiyo ng aktor na si Andrew Schimmer ang pagdadalang-tao ng jowa niyang si Dimps Greenvilla.

Sa Facebook post ni Andrew noong Linggo, Agosto 11, ibinahagi niya ang larawan ng isang pregnancy test kung saan makikita ang dalang pulang guhit doon.

“My God, totoo natothank you lord grabeng blessing po nito,” saad ni Andrew sa caption ng kaniyang post.

Dagdag pa niya: “We're all superrrr happy! woohooo!bebe boy lezzgaw!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga netizen sa bagong milestone na ito sa buhay nina Andrew at Dimps. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Congrats sa inyo ni Dimps V Schimmer brother!!!"

"Congratulations po sa inyo sir and maam Dimps"

"super deserve niyo po yan daddy yow.. sa dami ng pinagdaanan niyo ng family mo, oras na para sa panibagong yugto ng buhay.. Godbless daddy yow.. "

"Congratulations po sainio ate at kuya. Godbless po sainio.."

"Congratulations paps!!!!"

Matatandaang Disyembre 2023 nang isapubliko nii Andrew ang relasyon niya kay Dimps makalipas ang isang taong pagpanaw ng misis niyang si Jho Rivero.

MAKI-BALITA: Misis ni Andrew Schimmer, pumanaw na

MAKI-BALITA: ‘You restored me!’ Andrew Schimmer may bagong jowa na

Kaya naman, hindi naiwasang lumutang ang tsikang si Dimps umano ang babaeng dating pinagseselosan ng asawa ni Andrew. Pero kalaunan ay nagsalita si Dimps para pabulaanan ang tungkol dito

MAKI-BALITA: Bagong jowa ni Andrew Schimmer, dating pinagselosan ng yumaong misis?

MAKI-BALITA: Bagong jowa ni Andrew Schimmer, pumalag sa fake news peddlers