September 20, 2024

Home SHOWBIZ

Ivana Alawi, maraming natutunan kay Coco Martin

Ivana Alawi, maraming natutunan kay Coco Martin
Photo Courtesy: Ivana Alawi (IG)

Ibinahagi ng Kapamilya sexy-actress na si Ivana Alawi ang mga natutunan niya mula kay “FPJ’s Batang Quiapo” lead actor-director Coco Martin.

Sa panayam ni broadcast-journalist MJ Marfori kamakailan, tila nahirapan si Ivana na isa-isahin ang mga aral na napulot niya sa loob ng halos isang taon sa “Batang Quiapo.”

“Ang dami, e. Walang isa, e. Si Coco very matulungin. And he loves giving advices na ‘uy, Ivana, gan’to gagawin mo, ha,’” saad  ni Ivana.

“Basta, sabi niya, ‘sa career mo ingatan mo. And ipagpatuloy mo ‘yong ginagawa mo. Treat everyone nicely,’” dugtong pa ng aktres. 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaya naman hindi raw niya naiwasang malungkot nang mamaalam siya sa nasabing teleserye dahil parang pamilya na umano ang turingan nila sa isa’t isa.

Matatandaang nagkaroon pa ng isyu ang pag-alis ni Ivana dahil sa lumutang na tsika na kaya siya tsutsugiin sa “Batang Quiapo” ay dahil sa pagiging attitude niya.

Pero sa programa ng Teleradyo Serbisyo na "Showbiz Sidelines," sinabi ni DJ Jhai Ho na personal umano niyang nakausap ang talent manager ni Ivana at hind umano tototo ang kumalat na tsika.

MAKI-BALITA: Manager, nagsalita sa isyung 'may attitude' si Ivana kaya ligwak na sa Batang Quiapo