October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Dennis Trillo, dedma sa mga bumabatikos dahil sa komento niya sa ABS-CBN

Dennis Trillo, dedma sa mga bumabatikos dahil sa komento niya sa ABS-CBN
Photo Courtesy: Rick Calderon (IG), ABS-CBN (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo hinggil sa mga natatanggap niyang batikos dahil sa komento niya umano tungkol sa ABS-CBN.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Linggo, Agosto 11, sinabi ni Dennis na “unbothered” umano siya sa nangyayari.

“Wala naman, kumbaga, parang unbothered lang dahil nangyayari talaga yung mga yon, hindi natin maiiwasan,” saad ni Dennis.

Dagdag pa niya: "’Yong mga tao, nagsasabi ng hindi magaganda, lalo na't hindi nila naiintindihan kung ano talaga ang mga totoong nangyari.” 

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Matatandaang nagsimulang intrigahin si Dennis dahil sa sarkastikong tanong niya kung “May ABS pa ba?” sa isang netizen na nagkomento sa kaniyang TikTok post.

MAKI-BALITA: Tanong ni Dennis Trillo kung 'May ABS pa ba?' dinagsa ng batikos

MAKI-BALITA: Nagawa nga bang pasaringan ni Dennis Trillo ang dating home network?

Nagbigay naman ng pahayag ang manager ni Dennis para depensahan ang aktor sa mga batikos at intrigang ibinabato rito.

MAKI-BALITA: Dennis Trillo, dinepensahan ng manager kaugnay ng 'hacking incident'